Kayamanan nga ba o sadyang
kinalimutan na? Kabataan, tunay nga pa bang pag-asa ng bayan? Mga tanong na
umangkin sa aking isipan at labis na naghahanap ng mga kasagutan.
Tunay nga na ang mga kabataan ang
magpapatuloy ng kinabukasan ng ating bansa. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal,
“Kabataan ang pag-asa ng bayan.” Maraming pangarap ang mga kabataan. Ang iba gusto maging doktor o abugado para matulungan daw ang mga nangangailangan. Mga simpleng pangarap para makatulong sa
kanilang pamilya.
Ngunit sa pag daan ng henerasyon, unti-unti ng nawawala ang moralidad ng isang bata. Mga kabataang naging mangmang dahil sila’y hindi nakapag-aral, mga lumaki sa lansangan, nagmamatyag habang hawak ang kanilang kumakalam na sikmura; ilan lamang ‘to sa aking mga nakita na pumukaw sa aking isipan. Ito’y mga dahilang kung bakit napapaaga ang pagsabak nila sa tunay na hamon ng buhay. Kinalimutan na sila ng lipunan, lipunang puro pansariling kasaganaan lang ang iniisip. Mga kabataang hindi nabigyan ng marangal na buhay! Nasaan na ang mga hinirang na kabataan?

![]() |
| Joey Velasco's Last Supper With Street Children |
-Mateo

No comments:
Post a Comment