Pages

Welcome to SIMATEO.blogspot.com! "One of the most beautiful qualities of true friendship is to understand and to be understood." - Lucius Annaeus Seneca ... God Bless us all!
Showing posts with label Buhay. Show all posts
Showing posts with label Buhay. Show all posts

Friday, June 14, 2013

Alibagon: Tahanan ng Lahat

Ang aking tiyo habang humuhuli ng isda sa isa sa mga
fish ponds doon
Lubak na daanan ang sasalubong sa gustong magpa-Norte kung ika’y mula Kalibo patungong Alibagon. Ani nga’y bibilis ang pagluluwal kung ika’y buntis. Kung sikat pa si Pebo nang ika’y marating, aba, maswerte ka dahil maaaninag mo ang ganda ng bayang ito. Kung gabi ma’y huwag kang malumbay, sa ilaw ma’y salat, malamig na hangin ang hahaplos sa balat mong tila sawa na sa polusyon. Isama mo pa ang mga bituing hindi napapagod sa pagkisap. Dahil dito, tunay na mawawaksi lahat ng pagod mo sa pagbiyahe.


Iba't ibang uri ng bato na makikita sa "Baybay"
Mga ilog na parang ninakawan ng puri nalang ba ang lagi mong nakikita? Kung gayon, dapat mong makita ang ilog na kahit dumaan ang pagkarami-raming taon ay hindi pa rin lumilipas ang ganda. Sa ibang mga salita, hindi nabubulok ang kariktan at nawa’y huwag mangyari libo o milyong taon man ang lumipas. Tuwing high tide, umaabot ang tubig hanggang sa mga puno sa tabi nito para sami’y masarap pagmasdan dahil kabigha-bighani talaga nag nagpapadagdag sa kabuuang kagandahan nito. Sagana ang ilog na ito sa mga lamang-dagat na siya naming dahilan kung bakit walang nagugutom sa bayang iyon. Maraming danaw (pond) kang makikita doon na para sa mga inaalagaang lamang-dagat. Tuwing harvest season ay parang fiesta sa dami ng mga seafood na nakahain sa hapag-kainan.

Tulay na nagdurugtong sa Alibagon at Baybay
Sabik ka na rin bas a malinis na dagat? Kung saan pwede ka mag-ala-Michael Phelps? Bumisita ka sa “Baybay” – tawag nila doon. Hindi man white sand, malinis naman. Tiyempuhan mo lang ng tanghali hanggang hapon. Walang alon ng mga oras na iyon at tiyak na magsisiyahan ka sa pagiging sirena o pagiging siyokoy mo. Madaming makukulay na bato dito, pwede mong ipunin at ilagay sa walang lamang bote. Akala mo nasa Boracay na ang lahat? Wala niyan sa Boracay!
Kung gusto mo naman magpahinga, pwede ka kahit saan. Maraming nagtitirikang mga puno na sagana sa dahon pati na rin sa mga prutas. Duyan, buko, indian mango – voila, tanggal pagod!

Hindi mayaman at hindi mahirap, simpleng pamumuhay lang ngunit walang katapusang saya at alaala ang maihahatid nito. Sa isang dialog-story nga na sikat ngayon sa social media, “Mayroon tayong mga ilaw sa gabi, pero sila ang dami nilang mga bituin sa gabi. Bumibili tayo ng pagkain pero sila nagtatanim sila ng sarili nilang mga halaman na pwedeng kainin. Mayroon tayong matataas na bakod para protektahan ang ating pamilya pero sila marami silang mga kaibigan.”


Ganito ang buhay probinsya – simple, maganda at masaya.

Wednesday, March 27, 2013

Kalsada ng Buhay


Sa buhay ay marami kang madaraanan na mga kalsada. Pwedeng ang kalsadang ito ay ang maghahatid sa iyo sa karangyaan, maaari ring sa landas na hindi kanais-nais o ‘di kaya sa mundong kung saan sasalubungin ka ng matamis na halik ng kapayapaan at kapantayan ng sinuman.

source: www.motorcyclephilippines.com
Anumang kalsada ang mapili mo ay tiyak na mag-iiwan ka ng mga bakas: bakas na dulot ng labis na kasiyahan mo o kaya ng dusa. Alinmang meron ang bakas na ito, mayroon dito ay dinala mo pa rin sa kalsadang nasaan ka ngayon.

Huwag kang magmadali sa buhay. Traffic man o hindi, matuto kang maghintay para makaiwas ka na rin sa disgrasya. Kung sa tingin mo naman ay kailangan mo na talagang umabante, sige, mag-overtake ka. ‘Yun nga lang gawin mo kung maluwag na at wala kang masasagasaan.

Monday, December 31, 2012

Madilim na Pighati


Alas-kwatro ng umaga, habang ang karamihan ay mahimbing pa sa kanilang pagtulog, ito na ang simula ng panibagong hamon para kay Kiko. Si Kiko ay sampung taong gulang na hindi mawawari sa maliit niyang katawan na animo’y nilayasan ng nutrisyon sa katawan.

Pagkabangon sa isang katre na tila mawawasak na ng anay at pinagpatung-patungan lamang ng mga lumang dyaryo, ay saglit na nag-unat si Kiko.

“Sana maganda ulit ang araw naming magkapatid” sambit niya habang inaayos ang pagkakumot sa kanyang nakababatang kapatid na si Otoy.

Dalawa lang sina Kiko at Otoy sa kanilang munting barong-barong simula noong lumayas ang kanilang ina at namatay ang kanilang tatay dahil sa isang rambol.

Pagkatapos maghilamos ay agad siyang pumunta sa kanilang altar para magdasal.

“Diyos ko, patnubayan Niyo po kaming magkapatid. Sana po ay maka-ipon na ako ng sapat para makapag-aral na po ang aking kapatid.” hiling niya.

Kinuha ni Kiko ang tatlong pandesal na binili niya kagabi sa kabilang kanto. Nilagyan niya ito ng kaunting toyo at kinain ‘yung isa. Binalik niya ulit sa supot ang dalawa para sa kanyang kapatid.

Mahina ang benta ni Tana kahapon sa may simbahan sapagkat marami siyang naging kahati. Bisperas kasi noon ni Santo Domingo kaya’t maraming nagsulputang mga tindero’t tindera.

Nagbihis siya at lumabas na ng bahay.

Hindi kalayuan ay matatanaw ang paggawaan ng sampaguita ni Aling Tebang.

“Ang aga-aga nakasimangot nanaman si Aling Tebang,” pabulong niyang sambit.

“Magandang umaga Aling Tebang,” pagbati niya na may ngiti. “Heto po ang limampung-piso para sa mga sampaguita na aking ibebenta,” dagdag niya.

“Leche! Walang maganda umaga ko. Isa ka pang leche ka! Kumuha ka na diyan,” ani Aling Tebang na animo’y sandaan ang kagalit.

“Salamat po,” sagot ni Tana sabay ngiti.

“Umalis ka na nga! Baka dumagdag ka pa sa mga malas. Malas! Malas!” pabulyaw na sambit ni Aling Tebang.

Agad siyang tumungo sa simbahan ng Santo Domingo kung saan siya palaging nagtitinda ng sampaguita.

Naging tradisyon na ng mga taga Santo Domingo ang pagsisimba ng alas-singko ng umaga tuwing Lunes kaya’t marami nang mga tao maging sa paligid nito.

Mabibilang lang siguro sa daliri kung sino ang mga nagsisimba o nagsisimbang tabi lang.

Mga manong na tila ginawang tulugan na ang loob ng simbahan, mga aleng hindi matapos-tapos ang tsikahan at tsismisan at ang masaklap, mga magsyotang tila ginawang parke na ang simbahan sa paghaharutan – iyan lamang ang ilan sa mga makikita mo sa simbahan ng Santo Domingo.


(Kasalukuyang ini-edit. Maraming salamat! ;))