Pages

Welcome to SIMATEO.blogspot.com! "One of the most beautiful qualities of true friendship is to understand and to be understood." - Lucius Annaeus Seneca ... God Bless us all!

Sunday, September 16, 2012

Riles ng mga Iskolar


“Masikip! Mainit! Mabaho!” Ayan na lang siguro ang mga nasasambit ko tuwing papalapit na kami sa istayon ng PNR sa Alabang.
Mga nagbebenta ng mga kendi, mga takilyero na tila pagod na pagod na sa pagbibigay ng mga bilyete at mga pasaherong nag-uunahan sa pagpila sa mga ticketing booth (isama mo na rin ang kapwa ko Iskolar ng bayan): mga mukhang makikita mo pagpasok sa isang malaking tarangkahan na matatagpuan sa likod ng Star Mall (Metropolis noon) na kinaroroonan din ng istasyon ng tren.
          Prrrrrrt! Tunog na nagsisilbing senyas galing sa silbato ng mga nakabantay na guwarda na parating na ang tren. Labing-anim na istasyon ang madadaanan ng tren (mula Alabang hanggang Tutuban) kasama na rin ang Sta. Mesa kung saan matatagpuan ang isa sa mga pinakasikat na unibersidad pagdating sa pag-iinhinyero (engineering) at pagtutuos (accountancy).
          Huminto na ang tren, seryoso na ang lahat, nagsihandaan na rin lahat ng mga pasahero na tila sasabak sa giyera. Pagbaba pa lang ng isang pasahero ay tulukan na at agawan na rin ng mga upuan sa loob (Pareseve Upuan Please). Punas ng pawis, kapit sa safety handle, at handa na ang lahat sa paglalayag ng tren.
          “Next stop is Sucat station.” Kung inaakala mo na sa gyera na sa pagpasok mo sa tren, nagkakamali ka. Nagsisimula pa lang ang World War III.  Ayan na ang mga pasahero na nakikisabay sa tulakan at sigawan na tila nagpapahiwatig na “hindi sila magpapatalo patay man o buhay.” Parang gusto kong sumigaw na, “suko na ako.” Pero hindi pwede, pumasok ako dito ng buhay, lalabas akong tagumpay; at nagging pilosopiya ko na rin sa kursong kinuha ko. “I enrolled with Accounting as my chosen field, I will graduate as an accountant and I will die as a successful CPA who already cured the infirmity of the society.”
          Balik tayo sa PNR (masyado na akong nagdrama sa kurso ko), giyera talaga tuwing dumaraan ang tren sa mga istasyong Sucat at Bicutan. Pero bakit ka nga ba susuko kung mayroon kang layunin sa buhay, ‘di lang ang makarating sa patutunguhang istasyon kundi kung ano ang iyong mithiin kung bakit ka pumunta sa lugar na iyon. Katulad naming mga Iskolar ng bayan, pumapasok kami ng upang matugunan namin ang layunin namin sa lipunan, iyon ay makapag-aral at matapos ang kursong kinuha namin.
          Huwag tayong susuko sa mga bagay na alam natin na kayang-kaya natin abutin. Never give up at lagi ko nga na sinasabe, “Aspire for the very peak of what you can have.”
          Kaya tara na mga ka-iskolar, sakay na ng PNR at sabay-sabay nating abutin ang ating mga pangarap.
     
           
- Mateo

1 comment: