Alas-kwatro
ng umaga, habang ang karamihan ay mahimbing pa sa kanilang pagtulog, ito na ang
simula ng panibagong hamon para kay Kiko. Si Kiko ay sampung taong gulang na
hindi mawawari sa maliit niyang katawan na animo’y nilayasan ng nutrisyon sa
katawan.
Pagkabangon
sa isang katre na tila mawawasak na ng anay at pinagpatung-patungan lamang ng
mga lumang dyaryo, ay saglit na nag-unat si Kiko.
“Sana maganda ulit ang
araw naming magkapatid” sambit niya habang inaayos ang pagkakumot sa kanyang
nakababatang kapatid na si Otoy.
Dalawa
lang sina Kiko at Otoy sa kanilang munting barong-barong simula noong lumayas
ang kanilang ina at namatay ang kanilang tatay dahil sa isang rambol.
Pagkatapos
maghilamos ay agad siyang pumunta sa kanilang altar para magdasal.
“Diyos
ko, patnubayan Niyo po kaming magkapatid. Sana
po ay maka-ipon na ako ng sapat para makapag-aral na po ang aking kapatid.” hiling
niya.
Kinuha
ni Kiko ang tatlong pandesal na binili niya kagabi sa kabilang kanto. Nilagyan
niya ito ng kaunting toyo at kinain ‘yung isa. Binalik niya ulit sa supot ang
dalawa para sa kanyang kapatid.
Mahina
ang benta ni Tana kahapon sa may simbahan sapagkat marami siyang naging kahati.
Bisperas kasi noon ni Santo Domingo
kaya’t maraming nagsulputang mga tindero’t tindera.
Nagbihis
siya at lumabas na ng bahay.
Hindi
kalayuan ay matatanaw ang paggawaan ng sampaguita ni Aling Tebang.
“Ang
aga-aga nakasimangot nanaman si Aling Tebang,” pabulong niyang sambit.
“Magandang
umaga Aling Tebang,” pagbati niya na may ngiti. “Heto po ang limampung-piso
para sa mga sampaguita na aking ibebenta,” dagdag niya.
“Leche!
Walang maganda umaga ko. Isa ka pang leche ka! Kumuha ka na diyan,” ani Aling
Tebang na animo’y sandaan ang kagalit.
“Salamat
po,” sagot ni Tana sabay ngiti.
“Umalis
ka na nga! Baka dumagdag ka pa sa mga malas. Malas! Malas!” pabulyaw na sambit
ni Aling Tebang.
Agad
siyang tumungo sa simbahan ng Santo
Domingo kung saan siya palaging nagtitinda ng
sampaguita.
Naging
tradisyon na ng mga taga Santo Domingo
ang pagsisimba ng alas-singko ng umaga tuwing Lunes kaya’t marami nang mga tao
maging sa paligid nito.
Mabibilang
lang siguro sa daliri kung sino ang mga nagsisimba o nagsisimbang tabi lang.
Mga
manong na tila ginawang tulugan na ang loob ng simbahan, mga aleng hindi
matapos-tapos ang tsikahan at tsismisan at ang masaklap, mga magsyotang tila
ginawang parke na ang simbahan sa paghaharutan – iyan lamang ang ilan sa mga
makikita mo sa simbahan ng Santo
Domingo.
(Kasalukuyang ini-edit. Maraming salamat! ;))