Pages

Welcome to SIMATEO.blogspot.com! "One of the most beautiful qualities of true friendship is to understand and to be understood." - Lucius Annaeus Seneca ... God Bless us all!

Friday, June 14, 2013

Alibagon: Tahanan ng Lahat

Ang aking tiyo habang humuhuli ng isda sa isa sa mga
fish ponds doon
Lubak na daanan ang sasalubong sa gustong magpa-Norte kung ika’y mula Kalibo patungong Alibagon. Ani nga’y bibilis ang pagluluwal kung ika’y buntis. Kung sikat pa si Pebo nang ika’y marating, aba, maswerte ka dahil maaaninag mo ang ganda ng bayang ito. Kung gabi ma’y huwag kang malumbay, sa ilaw ma’y salat, malamig na hangin ang hahaplos sa balat mong tila sawa na sa polusyon. Isama mo pa ang mga bituing hindi napapagod sa pagkisap. Dahil dito, tunay na mawawaksi lahat ng pagod mo sa pagbiyahe.


Iba't ibang uri ng bato na makikita sa "Baybay"
Mga ilog na parang ninakawan ng puri nalang ba ang lagi mong nakikita? Kung gayon, dapat mong makita ang ilog na kahit dumaan ang pagkarami-raming taon ay hindi pa rin lumilipas ang ganda. Sa ibang mga salita, hindi nabubulok ang kariktan at nawa’y huwag mangyari libo o milyong taon man ang lumipas. Tuwing high tide, umaabot ang tubig hanggang sa mga puno sa tabi nito para sami’y masarap pagmasdan dahil kabigha-bighani talaga nag nagpapadagdag sa kabuuang kagandahan nito. Sagana ang ilog na ito sa mga lamang-dagat na siya naming dahilan kung bakit walang nagugutom sa bayang iyon. Maraming danaw (pond) kang makikita doon na para sa mga inaalagaang lamang-dagat. Tuwing harvest season ay parang fiesta sa dami ng mga seafood na nakahain sa hapag-kainan.

Tulay na nagdurugtong sa Alibagon at Baybay
Sabik ka na rin bas a malinis na dagat? Kung saan pwede ka mag-ala-Michael Phelps? Bumisita ka sa “Baybay” – tawag nila doon. Hindi man white sand, malinis naman. Tiyempuhan mo lang ng tanghali hanggang hapon. Walang alon ng mga oras na iyon at tiyak na magsisiyahan ka sa pagiging sirena o pagiging siyokoy mo. Madaming makukulay na bato dito, pwede mong ipunin at ilagay sa walang lamang bote. Akala mo nasa Boracay na ang lahat? Wala niyan sa Boracay!
Kung gusto mo naman magpahinga, pwede ka kahit saan. Maraming nagtitirikang mga puno na sagana sa dahon pati na rin sa mga prutas. Duyan, buko, indian mango – voila, tanggal pagod!

Hindi mayaman at hindi mahirap, simpleng pamumuhay lang ngunit walang katapusang saya at alaala ang maihahatid nito. Sa isang dialog-story nga na sikat ngayon sa social media, “Mayroon tayong mga ilaw sa gabi, pero sila ang dami nilang mga bituin sa gabi. Bumibili tayo ng pagkain pero sila nagtatanim sila ng sarili nilang mga halaman na pwedeng kainin. Mayroon tayong matataas na bakod para protektahan ang ating pamilya pero sila marami silang mga kaibigan.”


Ganito ang buhay probinsya – simple, maganda at masaya.