Diwa niya’y umiikot
Kasabay ng nakaraan sa paglilikot
Hindi mapinta, karanasang dulot
Pag-asa niya’y unti-unting pinupugot
Pighati ang kanyang sigaw
Luha ay umaapaw
Nasaan ka aking Pebo
Ika’y wala na ring kibo
Ayun nga ba? Ano nga ba?
Maraming tanong kung makakaya ko pa
ba
Kinulong ng kasakiman sa hapdi’t
kirot
Ngayo’y parang papel na nilulukot