Pages

Welcome to SIMATEO.blogspot.com! "One of the most beautiful qualities of true friendship is to understand and to be understood." - Lucius Annaeus Seneca ... God Bless us all!

Thursday, September 20, 2012

Katoto

Nasaan ka aking kaibigan
Natatakot akong ako'y iyong iwan
Maaari mo ba akong samahan
Dito sa sulok na labis na nagdaramdam
image source: photoree.com

Pilit kitang hinahanap kahit saan
Ngunit bakit nga ba bigla nalang nang-iwan
Ako nga ba'y iyon nang kinalimutan
O sadyang binitawan nalang ang pinagsamahan

Kaibigan, lahat ay aking pinagpahalagahan
Problema mo'y aking ring pinasan
Paalam na nga nalang ba ang kasagutan
Dahil labis mo akong sinaktan

Paalam, ang sabit ng aking damdamin
 Pero bakit 'di ko kayang banggitin
Hindi ko alam kung paano sagutin
Siguro'y paalam ay di dapat kamtin

Halika rito, kaibigan
Mga problema'y ating pag-usapan
Kapayapaan sa puso'y ating kamtan
Sapagkat, mahal kita kaibigan



Tuesday, September 18, 2012

"Physics, you made my world so much okay!"

Let us love Physics :D A video-project of one of the groups in Physics during our Fourth year. (Credits to the uploader: )


Sunday, September 16, 2012

Riles ng mga Iskolar


“Masikip! Mainit! Mabaho!” Ayan na lang siguro ang mga nasasambit ko tuwing papalapit na kami sa istayon ng PNR sa Alabang.
Mga nagbebenta ng mga kendi, mga takilyero na tila pagod na pagod na sa pagbibigay ng mga bilyete at mga pasaherong nag-uunahan sa pagpila sa mga ticketing booth (isama mo na rin ang kapwa ko Iskolar ng bayan): mga mukhang makikita mo pagpasok sa isang malaking tarangkahan na matatagpuan sa likod ng Star Mall (Metropolis noon) na kinaroroonan din ng istasyon ng tren.
          Prrrrrrt! Tunog na nagsisilbing senyas galing sa silbato ng mga nakabantay na guwarda na parating na ang tren. Labing-anim na istasyon ang madadaanan ng tren (mula Alabang hanggang Tutuban) kasama na rin ang Sta. Mesa kung saan matatagpuan ang isa sa mga pinakasikat na unibersidad pagdating sa pag-iinhinyero (engineering) at pagtutuos (accountancy).
          Huminto na ang tren, seryoso na ang lahat, nagsihandaan na rin lahat ng mga pasahero na tila sasabak sa giyera. Pagbaba pa lang ng isang pasahero ay tulukan na at agawan na rin ng mga upuan sa loob (Pareseve Upuan Please). Punas ng pawis, kapit sa safety handle, at handa na ang lahat sa paglalayag ng tren.
          “Next stop is Sucat station.” Kung inaakala mo na sa gyera na sa pagpasok mo sa tren, nagkakamali ka. Nagsisimula pa lang ang World War III.  Ayan na ang mga pasahero na nakikisabay sa tulakan at sigawan na tila nagpapahiwatig na “hindi sila magpapatalo patay man o buhay.” Parang gusto kong sumigaw na, “suko na ako.” Pero hindi pwede, pumasok ako dito ng buhay, lalabas akong tagumpay; at nagging pilosopiya ko na rin sa kursong kinuha ko. “I enrolled with Accounting as my chosen field, I will graduate as an accountant and I will die as a successful CPA who already cured the infirmity of the society.”
          Balik tayo sa PNR (masyado na akong nagdrama sa kurso ko), giyera talaga tuwing dumaraan ang tren sa mga istasyong Sucat at Bicutan. Pero bakit ka nga ba susuko kung mayroon kang layunin sa buhay, ‘di lang ang makarating sa patutunguhang istasyon kundi kung ano ang iyong mithiin kung bakit ka pumunta sa lugar na iyon. Katulad naming mga Iskolar ng bayan, pumapasok kami ng upang matugunan namin ang layunin namin sa lipunan, iyon ay makapag-aral at matapos ang kursong kinuha namin.
          Huwag tayong susuko sa mga bagay na alam natin na kayang-kaya natin abutin. Never give up at lagi ko nga na sinasabe, “Aspire for the very peak of what you can have.”
          Kaya tara na mga ka-iskolar, sakay na ng PNR at sabay-sabay nating abutin ang ating mga pangarap.
     
           
- Mateo

Thursday, September 13, 2012

Division of Faith (Revision)



Christianity, Shinto, Islam, Buddhism and Hinduism: these are just few of the different religious convictions being practiced around the world. Christianity, to be considered having the most followers in the world, comprises 29 to 32% of the world’s population. Which of these is/are right? Have you ever asked yourselves?
“One world with different beliefs,” this could be the best expression to describe the partition of two or more countries, communities, or even a family.
According to the adherents.com, there are about thousands of religions scattered around the world. With this numerous sectors or separation and as what our world or even our nation facing nowadays, we could consider that religion is one of the factors why there are conflicts and wars in this world. They (religion preachers) always say that they are the truth, or even the chosen one! And they will be saved from the death of this world of ours.         
Aside from wars or so whatever, divided faith also results to racism. According to some researchers, religion has a close relationship with fundamentalism and racism. Racism in the sense that, difference religion preaches racial tolerance that can lead to misunderstandings and can cause to racial tolerance which has a great part into the morality of a person.
Bust still, whatever we do or say, there are no changes at all! We are divided into many. Our society has been into an uproar. Nobody can go back and change the past. Let us always bear in our minds that we are all came from only one creator. Allah, Yahweh, Buddha are just representation of our one only Divine Creator, Whom will save us from the destruction of this material world.
No religion is wrong! We have just our own way and faith. Religion can’t dictate our life. It is in our faith that will lead us into the decency and rectitude of our life.
“There is only one religion, though there are many versions of it.” – George Bernard Shaw

-Mateo

Wednesday, September 12, 2012

Kabataang Hinirang


Kayamanan nga ba o sadyang kinalimutan na? Kabataan, tunay nga pa bang pag-asa ng bayan? Mga tanong na umangkin sa aking isipan at labis na naghahanap ng mga kasagutan.
Tunay nga na ang mga kabataan ang magpapatuloy ng kinabukasan ng ating bansa. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, “Kabataan ang pag-asa ng bayan.” Maraming pangarap ang mga kabataan. Ang iba gusto maging doktor o abugado para matulungan daw ang mga nangangailangan. Mga simpleng pangarap para makatulong sa kanilang pamilya.
 Ngunit sa pag daan ng henerasyon, unti-unti ng nawawala ang moralidad ng isang bata. Mga kabataang naging mangmang dahil sila’y hindi nakapag-aral, mga lumaki sa lansangan, nagmamatyag habang hawak ang kanilang kumakalam na sikmura; ilan lamang ‘to sa aking mga nakita na pumukaw sa aking isipan. Ito’y mga dahilang kung bakit napapaaga ang pagsabak nila sa tunay na hamon ng buhay. Kinalimutan na sila ng lipunan, lipunang puro pansariling kasaganaan lang ang iniisip. Mga kabataang hindi nabigyan ng marangal na buhay! Nasaan na ang mga hinirang na kabataan?
Joey Velasco's Last Supper With Street Children 
Tumingin ka sa paligid mo, tignan mo naman sila, tignan mo ang mga sikmura nilang gutom, mga katawang  hindi man lang nahaplusan ng kahit kaunting pagmamahal at mga pusong hindi nayapos ng pagmamaghal ng lipunan. Ikaw, nag-aalala ka din ba sa kanila o sadyang kinalimutan mo na rin… ang mga kabataang hinirang? 
-Mateo