Nasaan ka aking kaibigan
Natatakot akong ako'y iyong iwan
Maaari mo ba akong samahan
Dito sa sulok na labis na nagdaramdam
Pilit kitang hinahanap kahit saan
Ngunit bakit nga ba bigla nalang nang-iwan
Ako nga ba'y iyon nang kinalimutan
O sadyang binitawan nalang ang pinagsamahan
Kaibigan, lahat ay aking pinagpahalagahan
Problema mo'y aking ring pinasan
Paalam na nga nalang ba ang kasagutan
Dahil labis mo akong sinaktan
Paalam, ang sabit ng aking damdamin
Pero bakit 'di ko kayang banggitin
Hindi ko alam kung paano sagutin
Siguro'y paalam ay di dapat kamtin
Halika rito, kaibigan
Mga problema'y ating pag-usapan
Kapayapaan sa puso'y ating kamtan
Sapagkat, mahal kita kaibigan

No comments:
Post a Comment