“Masikip!
Mainit! Mabaho!” Ayan na lang siguro ang mga nasasambit ko tuwing papalapit na
kami sa istayon ng PNR sa Alabang.
Mga
nagbebenta ng mga kendi, mga takilyero na tila pagod na pagod na sa pagbibigay
ng mga bilyete at mga pasaherong nag-uunahan sa pagpila sa mga ticketing booth (isama mo na rin ang
kapwa ko Iskolar ng bayan): mga mukhang makikita mo pagpasok sa isang malaking
tarangkahan na matatagpuan sa likod ng Star Mall (Metropolis noon) na kinaroroonan
din ng istasyon ng tren.
Prrrrrrt! Tunog na nagsisilbing senyas galing sa silbato ng
mga nakabantay na guwarda na parating na ang tren. Labing-anim na istasyon ang
madadaanan ng tren (mula Alabang hanggang Tutuban) kasama na rin ang Sta. Mesa
kung saan matatagpuan ang isa sa mga pinakasikat na unibersidad pagdating sa
pag-iinhinyero (engineering) at
pagtutuos (accountancy).
Huminto na ang tren, seryoso na ang lahat, nagsihandaan na
rin lahat ng mga pasahero na tila sasabak sa giyera. Pagbaba pa lang ng isang
pasahero ay tulukan na at agawan na rin ng mga upuan sa loob (Pareseve Upuan
Please). Punas ng pawis, kapit sa safety handle, at handa na ang lahat sa
paglalayag ng tren.
“Next stop is Sucat station.” Kung inaakala mo na sa gyera
na sa pagpasok mo sa tren, nagkakamali ka. Nagsisimula pa lang ang World War III. Ayan na ang mga pasahero na nakikisabay sa
tulakan at sigawan na tila nagpapahiwatig na “hindi sila magpapatalo patay man
o buhay.” Parang gusto kong sumigaw na, “suko na ako.” Pero hindi pwede,
pumasok ako dito ng buhay, lalabas akong tagumpay; at nagging pilosopiya ko na
rin sa kursong kinuha ko. “I enrolled
with Accounting as my chosen field, I will graduate as an accountant and I will
die as a successful CPA who already cured the infirmity of the society.”
Balik tayo sa PNR (masyado na akong nagdrama sa kurso ko),
giyera talaga tuwing dumaraan ang tren sa mga istasyong Sucat at Bicutan. Pero
bakit ka nga ba susuko kung mayroon kang layunin sa buhay, ‘di lang ang
makarating sa patutunguhang istasyon kundi kung ano ang iyong mithiin kung
bakit ka pumunta sa lugar na iyon. Katulad naming mga Iskolar ng bayan,
pumapasok kami ng upang matugunan namin ang layunin namin sa lipunan, iyon ay
makapag-aral at matapos ang kursong kinuha namin.
Huwag tayong susuko sa mga bagay na alam natin na
kayang-kaya natin abutin. Never give up at lagi ko nga na sinasabe, “Aspire for
the very peak of what you can have.”
Kaya tara na mga ka-iskolar, sakay na ng PNR at sabay-sabay
nating abutin ang ating mga pangarap.
- Mateo

DAHIL SA PNR . . . . .
ReplyDeletehaha