(May pumasok na Badjao sa jeep habang nakahinto sa boundary ng San Pedro at Muntinlupa. Walang nagbigay, tumabi siya sa akin. Babae siya at siguro'y mga 20 taong gulang na.)
Badjao: Penge naman.
Ako: Wala pong barya e. Sensya.
Badjao: Piso lang.
Ako: Magtrabaho ka na lang po.
Badjao: Piso lang. Kukurutin kita.
Ako: Magtrabaho ka na lang nga po.
Badjao: Kukulamin kita!
Agad siyang bumaba ng jeep at pagkababa'y sinigawan nya ako ng "Waaah!"
Hindi ko rin sila masisisi. Nalason na ang pananaw nila sa buhay ng kahirapan. Tanong: Saan na ang mga taong itinalaga para pangalagaan sila? Wala bang DSWD unit ang San Pedro at Muntinlupa?
No comments:
Post a Comment