Minsan nang sinabi ng mongheng si Thich Nhat Hanh, "If we are peaceful, if we are happy, we can smile and blossom like a flower, and everyone in our family, our entire society, will benefit from our peace."
Bakbakan sa gitnang silangan, diskriminasyon ng mga babae at lalaki, malaking agwat ng mahihirap at mayayaman, diskriminasyon sa bawat lahi at kulay – ilan lamang iyan sa mga napapanood natin sa telebisyon maging nababasa na rin natin sa Internet. At hindi na rin lingid sa ating kaalaman ang unti-unting pagkamatay ng kapayapaan sa ating mundo.
Ilan lamang sa mga relihiyong lumaganap sa mundo ang Kristiyanismo, Budismo, Islam at Hinduismo. Kristiyanismo, na may pinakamaraming sakop na mananampalataya ay binubuo ng halos 30% ng populasyon ng mundo. Mula sa pagkadami-daming bilang nito, maituturing nating isa ang relihiyon kung bakit hindi natin makamtan ang mundong kapayapaan.
Naging dahilan na rin ang relihiyon sa pagkabuo ng tinatawag nating pundamentalismo at rasismo. Rasismo sa kamalayang tinuturo nito ang pagkakaiba ng mga tao base sa kanilang pananaw o relihiyon na pwedeng humantong sa hindi pagkakaunawaan ng dalawa o higit pang sektor ng pananampalataya. Ang layon naman ng tinatawag na pundamentalismo ay striktong pagsunod sa kung ano ang nakasulat o itinuro sa kanila ng relihiyon.
![]() |
| image source: olumideidowu.blog.com |
Ang Syrian Civil War (2011), ang Mexican Drug War (2006), ang Somali Civil War (1991), ang Afghan Civil War (1978), ang Naxalite–Maoist insurgency sa India (1967), ang Colombian Armed Conflict (1964) at ang mga bakbakan sa timog na parte ng Pilipinas – Iyan ay ilan sa mga hindi pa nareresolbang digmaan na kinakailangan na ng agarang solusyon.
Ang kapayapaan ay nagsisimula sa pinakamaliit ng yunit ng komunidad. Maaari nating sabihin na nagsisimula ang kapayapaan sa mga kabataan. Ito'y totoo sapagka't kung bata pa lamang ay magsisimula na ang isang tao na maniwala at magpalaganap ng kapayapaan sa kanilang sariling paraan, malaki ang posibilidad na hanggang kanilang pagtanda ay dala nila ang katangiang ito. Kung sa maliit na sekta ng komuniidad ay hindi maisasakatuparan ang pagiging payapa, anu pa kaya kung sa isang malaking komunidad na?
Huwag nating hintayin sa panahong hindi na alam ng mga susunod na henerasyon ang salitang “kapayapaan”. Oo, mahirap makamit ang kapayaan. Mahirap kung mag-isa lang tayong kikilos Maging mulat tayo sa mga pangyayari. Kumilos tayong mga kabataan at ipakita natin ang ating
magagawa tungkol sa isyong ito. "Kapayapaan ay ang pagmamahal sa iyong sarili at sa iyong kapwa," ito ang tunay na ibig sabihin ng kapayapaan.
Sabi nga ni George Clemenceau, ang digmaan ay masyadong sineseryoso kung saan pinapaubaya pa sa mga military kung saan pwede naman daanin sa diplomatikong pamamaraan. Para makamit din natin ang makamundong kapayapaan, maari ring makatulong ang peace education. Marami sa mga kabataan ang mulat sa digmaan at mga kaguluhan. May mga ilan pa nga na napapawalay sa kanilang mga pamilya ng dahil sa mga giyera. Ang peace education ay hindi lamang nagangahulugan na malaman kung ano ang pakahulugan sa salitang kapayapaan. Ito ay patungkol sa pamumuhay ng may kapayapaan ang pagkakaroon ng matiwasay na pakikisama sa iyong kapwa.
Kapayapaan – pamumuhay ng matiwasay. Bilang mga estudyante, maaari nating palaganapin ang kapayapaang ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng may malinis na puso, isip at hangarin sapagkat ito ang magiging pinakaugat upang ating makamtan ang isang payapang buhay. Hindi maipapalaganap ng isang tao ang kapayapaan kung mismong sa sarili niya ay hindi niya ito isinasabuhay. Isa ring paraan ay ang pagsali sa mga iba’t ibang gawain na nagpapalaganap ng kapayapaan, halimbawa nito ay Movement towards Peace.Maaaring sa panahon ngayon ay mahirap na talagang makamtan ang sinasabi nilang World Peace. Iba’t ibang paniniwala at paninidigan ng tao sa bawat sulok ng mundo. Ang paniniwala sa kanang panig ay maaaring taliwas sa kung anong pinaniniwalaan ng nasa kabilang panig na pwedeng maging resulta ng hindi pagkakaunawaan at maging kawalan ng kapayapaan. Ngunit, hindi pa huli ang lahat upang ating itong makamtan. Maaaring hindi pa sa mga oras na ito, pero sinong nakakaalam, malay natin ang kapayapaang ito ay atin nang makakamit sa mga susunod na panahon.
Maraming salamat sa mga tumulong sa akin para mabuo ito: Ate Chingers at Bestfriend Paolo

