Pages

Welcome to SIMATEO.blogspot.com! "One of the most beautiful qualities of true friendship is to understand and to be understood." - Lucius Annaeus Seneca ... God Bless us all!

Monday, December 31, 2012

Madilim na Pighati


Alas-kwatro ng umaga, habang ang karamihan ay mahimbing pa sa kanilang pagtulog, ito na ang simula ng panibagong hamon para kay Kiko. Si Kiko ay sampung taong gulang na hindi mawawari sa maliit niyang katawan na animo’y nilayasan ng nutrisyon sa katawan.

Pagkabangon sa isang katre na tila mawawasak na ng anay at pinagpatung-patungan lamang ng mga lumang dyaryo, ay saglit na nag-unat si Kiko.

Sana maganda ulit ang araw naming magkapatid” sambit niya habang inaayos ang pagkakumot sa kanyang nakababatang kapatid na si Otoy.

Dalawa lang sina Kiko at Otoy sa kanilang munting barong-barong simula noong lumayas ang kanilang ina at namatay ang kanilang tatay dahil sa isang rambol.

Pagkatapos maghilamos ay agad siyang pumunta sa kanilang altar para magdasal.

“Diyos ko, patnubayan Niyo po kaming magkapatid. Sana po ay maka-ipon na ako ng sapat para makapag-aral na po ang aking kapatid.” hiling niya.

Kinuha ni Kiko ang tatlong pandesal na binili niya kagabi sa kabilang kanto. Nilagyan niya ito ng kaunting toyo at kinain ‘yung isa. Binalik niya ulit sa supot ang dalawa para sa kanyang kapatid.

Mahina ang benta ni Tana kahapon sa may simbahan sapagkat marami siyang naging kahati. Bisperas kasi noon ni Santo Domingo kaya’t maraming nagsulputang mga tindero’t tindera.

Nagbihis siya at lumabas na ng bahay.

Hindi kalayuan ay matatanaw ang paggawaan ng sampaguita ni Aling Tebang.

“Ang aga-aga nakasimangot nanaman si Aling Tebang,” pabulong niyang sambit.

“Magandang umaga Aling Tebang,” pagbati niya na may ngiti. “Heto po ang limampung-piso para sa mga sampaguita na aking ibebenta,” dagdag niya.

“Leche! Walang maganda umaga ko. Isa ka pang leche ka! Kumuha ka na diyan,” ani Aling Tebang na animo’y sandaan ang kagalit.

“Salamat po,” sagot ni Tana sabay ngiti.

“Umalis ka na nga! Baka dumagdag ka pa sa mga malas. Malas! Malas!” pabulyaw na sambit ni Aling Tebang.

Agad siyang tumungo sa simbahan ng Santo Domingo kung saan siya palaging nagtitinda ng sampaguita.

Naging tradisyon na ng mga taga Santo Domingo ang pagsisimba ng alas-singko ng umaga tuwing Lunes kaya’t marami nang mga tao maging sa paligid nito.

Mabibilang lang siguro sa daliri kung sino ang mga nagsisimba o nagsisimbang tabi lang.

Mga manong na tila ginawang tulugan na ang loob ng simbahan, mga aleng hindi matapos-tapos ang tsikahan at tsismisan at ang masaklap, mga magsyotang tila ginawang parke na ang simbahan sa paghaharutan – iyan lamang ang ilan sa mga makikita mo sa simbahan ng Santo Domingo.


(Kasalukuyang ini-edit. Maraming salamat! ;))


Wednesday, November 21, 2012

Simply, "Scouting"

Ano ang mayroon sa buhay ng isang iskawt?

"A Scout is never taken by surprise; he knows exactly what to do when anything unexpected happens. " -- Lord Robert Baden-Powell

IT’S FIVE O’clock when we had finished our last scouting activity that afternoon. All of us were worn out since we had been challenged by an extreme obstacle course.

Wounds, bruises, and mud kissing my skin -- Those were just the product of the activities we had that day. And yet, we have no more time to take a good bath!

After the activity, we headed immediately to the stream. I was washing my clothes and scrubbing my body to take away all the mud when one thing came into my mind that time... I forgot my soap and shampoo! And I have no enough time to go back to our campsite. Ang malas naman!

After that bad bath (seriously), we straightly went to our campsite and ate our dinner prepared by our outfit advisor.

“Weet!” That’s the sound of the irrating whistle again. We are obligatory to join the assembly at the covered court and must wear our Type C Uniform.

I went out of our tent when, grrr, that mud! My shiny black shoes got dominated by that disgusting mud again. I straight ahead the court for I have no time to clean it.

The scoutmasters started to speak their own experiences about scouting. Discussed there, discussed anywhere, discussed about that, discussed about this, and wrote some lectures here and there.

Next was our campfire and I’m so sleepy. I placed my notebook into my face covering my face like I’m thinking of something and started to close my eyes little by little. But wait! I remembered that we are going to have our pre-board of Review after the campfire. So I grabbed my paper and memorized the Scout Oath and Law.

source: scout.org
The pre-board of review started around 10 in the evening. We had waited until our names were called. It was ONE o’clock in the midnight when our names had been called. There are two panels in the review. The panels interviewed me about myself. Ah! I’m sleepy and I don’t know what to say. “A…e.. “ the words I have said that time. The only thing I want to do is to sleep! Yawn! They asked about my life, my ambition and everything.

After the long hours of waiting, I will be able to sleep now. They've just interviewed me for five minutes. Exhausted and stressed, but after the consecutive misfortunes, there is always the positive one, and that’s the excitement.

Inevitable or ‘solutionable’


Republic Act No. 7658, as affirmed, is “An act prohibiting the employment of children below 15 years of age in public and private undertakings…”

Whatever that law utters, child labor is still an immense dilemma of our country nowadays and yet, is still growing. After a survey conducted by the National Statistics Office (NSO), DOLE secretary Rosalinda Baldoz said that, “As of October 2011, there are 5.49 million working children aged five to 17 years. More than 55.1 percent or 3.02 million were counted as child labor while 2.99 million are exposed to hazardous form of child labor.”

With this wow-number of children in labors and the fact that 33% of the population is composed by children ages 5 to 17 years old that marks Philippines as a young nation, it just the same thing despite of the implementations of many anti-child labor programs that started since 1995 under the presidency of Fidel V. Ramos.  

     The issue here is: why do children need to work in their very young age?

A little girl working in a mining area with her shovel
image source: www.newspaper.li/child-labor
Child labors could also be found in some illegal mining areas and banana plantations which are notorious in Davao and its neighboring provinces.     The common child labor in the provinces can be found in the sugarcane plantations. Most parents cannot have their children finish their schooling because of poverty so they are forced to give up the education of their children and have their children worked in plantations. In a 2010, DSWD Bukidnon shows that 22% of children aged 6 to 16 have stopped schooling.

Above are just few child labors present in the country. If you are asking if there are girls who are present in this kind of illegal action, the answer is yes! And the worst is, prostitution is the common among the child labors among girls. Girls involved in prostitution are susceptible to rapemurderAIDS and other sexually transmitted diseases.  

With the increasing number of prostitution among children, it can be considered as inevitable in spite of the passing of R.A. 9208, the Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, a penal law against human traffickingsex tourism, slavery and child prostitution.

But still, the labor chief expressed confidence that the government would still be able to meet its target to reduce the number of child laborers in the country, as stated in the Philippine Daily Inquirer.

Who and what affects it?

As avowed in the Presidential Decree no. 603 or The Child and Youth Welfare Code, the child is one of the most important assets of the nation. Every effort should be exerted to promote his welfare and enhance his opportunities for a useful and happy life.

There are 2.5 children out of 22.4 children are unaware with this kind of indulgence, claimed by the Department of Labor and Employment, DOLE.

A sampaguita vendor along the
streets waiting for a buyer.
image source: google image
These are some several factors:     

First is COMMUNITY. Everything a child does correspond to the kind of surrounding he/she lives in. The lifestyle of their playmates, neighbors and the people who are connected to him affects the ethics of a child. Children learn not the way he was taught but the way his environment acts. Every child deserves to live in a good shelter.

Second is EDUCATION. A child without a good education marks the weakness of his intellectual growth. Children need to learn…Learning in the way he/she enjoys every lessons that he listens.  Education teaches a child with the values of life.

Third and the most important is FAMILY. Are you familiar with this quotation, “Sa mata ng isang bata, ang isang pagkakamali ay nagiging tama kung ito ay ginagawa ng mas matanda”? Parents must act as a model for they will guide their children to the path they will take.

Child labor can be only prevented if and only if all of us are aware with this kind of misunderstanding. Take ourselves into the reality which we may see the real situation of children beyond on the things we only see.
     “The only reason why child abuse is alive today is because we as adults fail our children when we fail to listen to them.” -- Heather McClane

Saturday, October 27, 2012

Mundong Kapayapaan

Mundong Kapayapaan, kailan ka makakamtan?
     Minsan nang sinabi ng mongheng si Thich Nhat Hanh, "If we are peaceful, if we are happy, we can smile and blossom like a flower, and everyone in our family, our entire society, will benefit from our peace."

Bakbakan sa gitnang silangan, diskriminasyon ng mga babae at lalaki, malaking agwat ng mahihirap at mayayaman, diskriminasyon sa bawat lahi at kulay – ilan lamang iyan sa mga napapanood natin sa telebisyon maging nababasa na rin natin sa Internet. At hindi na rin lingid sa ating kaalaman ang unti-unting pagkamatay ng kapayapaan sa ating mundo.

Ilan lamang sa mga relihiyong lumaganap sa mundo ang Kristiyanismo, Budismo, Islam at Hinduismo. Kristiyanismo, na may pinakamaraming sakop na mananampalataya ay binubuo ng halos 30% ng populasyon ng mundo. Mula sa pagkadami-daming bilang nito, maituturing nating isa ang relihiyon kung bakit hindi natin makamtan ang mundong kapayapaan.

Naging dahilan na rin ang relihiyon sa pagkabuo ng tinatawag nating pundamentalismo at rasismo. Rasismo sa kamalayang tinuturo nito ang pagkakaiba ng mga tao base sa kanilang pananaw o relihiyon na pwedeng humantong sa hindi pagkakaunawaan ng dalawa o higit pang sektor ng pananampalataya. Ang layon naman ng tinatawag na pundamentalismo ay striktong pagsunod sa kung ano ang nakasulat o itinuro sa kanila ng relihiyon.


image source: olumideidowu.blog.com
Nasa talaan din ng mga rason ang pulitika. Dahil sa kasakiman sa kapangyarihan, kumikilos ang sakop nito upang pabagsakin ang namumuno. Dulot nito, lumalaban din ang namumuno sa sakop nito at hindi magpapatalo at bababa ng kanyang trono. Minsa’y ‘di lamang kasakiman ang sanhi nito. Pwede ring hindi pagkakaunawaan sa sistema ng gobyerno katulad ng Syrian Civil War (2011) kung saan gustong pagbagsakin ni Syrian National Council Chairman Abdulbaset Sieda ang ngayong presidenteng si Fd.Mar. Bashar al-Assad.

Ang Syrian Civil War (2011), ang Mexican Drug War (2006), ang Somali Civil War (1991), ang Afghan Civil War (1978), ang Naxalite–Maoist insurgency sa India (1967), ang Colombian Armed Conflict (1964) at ang mga bakbakan sa timog na parte ng Pilipinas – Iyan ay ilan sa mga hindi pa nareresolbang digmaan na kinakailangan na ng agarang solusyon.

Ang kapayapaan ay nagsisimula sa pinakamaliit ng yunit ng komunidad. Maaari nating sabihin na nagsisimula ang kapayapaan sa mga kabataan. Ito'y totoo sapagka't kung bata pa lamang ay magsisimula na ang isang tao na maniwala at magpalaganap ng kapayapaan sa kanilang sariling paraan, malaki ang posibilidad na hanggang kanilang pagtanda ay dala nila ang katangiang ito. Kung sa maliit na sekta ng komuniidad ay hindi maisasakatuparan ang pagiging payapa, anu pa kaya kung sa isang malaking komunidad na?

Huwag nating hintayin sa panahong hindi na alam ng mga susunod na henerasyon ang salitang “kapayapaan”. Oo, mahirap makamit ang kapayaan. Mahirap kung mag-isa lang tayong kikilos Maging mulat tayo sa mga pangyayari. Kumilos tayong mga kabataan at ipakita natin ang ating
magagawa tungkol sa isyong ito. "Kapayapaan ay ang pagmamahal sa iyong sarili at sa iyong kapwa," ito ang tunay na ibig sabihin ng kapayapaan.

Sabi nga ni George Clemenceau, ang digmaan ay masyadong sineseryoso kung saan pinapaubaya pa sa mga military kung saan pwede naman daanin sa diplomatikong pamamaraan. Para makamit din natin ang makamundong kapayapaan, maari ring makatulong ang peace education. Marami sa mga kabataan ang mulat sa digmaan at mga kaguluhan. May mga ilan pa nga na napapawalay sa kanilang mga pamilya ng dahil sa mga giyera. Ang peace education ay hindi lamang nagangahulugan na malaman kung ano ang pakahulugan sa salitang kapayapaan. Ito ay patungkol sa pamumuhay ng may kapayapaan ang pagkakaroon ng matiwasay na pakikisama sa iyong kapwa.

Kapayapaan – pamumuhay ng matiwasay. Bilang mga estudyante, maaari nating palaganapin ang kapayapaang ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng may malinis na puso, isip at hangarin sapagkat ito ang magiging pinakaugat upang ating makamtan ang isang payapang buhay. Hindi maipapalaganap ng isang tao ang kapayapaan kung mismong sa sarili niya ay hindi niya ito isinasabuhay. Isa ring paraan ay ang pagsali sa mga iba’t ibang gawain na nagpapalaganap ng kapayapaan, halimbawa nito ay Movement towards Peace.

Maaaring sa panahon ngayon ay mahirap na talagang makamtan ang sinasabi nilang World Peace. Iba’t ibang paniniwala at paninidigan ng tao sa bawat sulok ng mundo. Ang paniniwala sa kanang panig ay maaaring taliwas sa kung anong pinaniniwalaan ng nasa kabilang panig na pwedeng maging resulta ng hindi pagkakaunawaan at maging kawalan ng kapayapaan. Ngunit, hindi pa huli ang lahat upang ating itong makamtan. Maaaring hindi pa sa mga oras na ito, pero sinong nakakaalam, malay natin ang kapayapaang ito ay atin nang makakamit sa mga susunod na panahon.

Maraming salamat sa mga tumulong sa akin para mabuo ito: Ate Chingers at Bestfriend Paolo

Monday, October 22, 2012

'Super lolo'


 “Ayan! Ang asawa ay kawawa, nag-iisip ng mga ipapakain sa mga bata. Nang dumating si Peping na walang hiya, mga tao sa bangka biglang nawala.” Ito’y isa sa mga talata ng tulang naibahagi sa akin ni lolo Honrado habang siya’y aking kapanayam.

Mula pa noong tumuntong ako ng hayskul sa Liceo de San Pedro, madalas ko nang nakikita ang dalawang matandang pawang nangangausap ang mga kamay para sa mga baryang ipagbibili sana ng mga pagkaing ikakabuhay nila.

Maaga noon nang kami’y dumayo sa bayan ng San Pedro upang makapanayam si Aling Pacita sa may harap ng parokya ng San Pedro. Sa kasamaang-palad hindi namin naabutan doon si Aling Pacita.

Hindi kalayuan sa karaniwang pwesto ni Aling Pacita ay may isang matandang lalake na nakasumbrero at may hawak na tungkod. Siya si Honrado Española, 82 taong gulang, ipinanganak noong ika-16 ng Disyembre 1930 sa Iloilo.
     Ayon sa kanya ay hindi pa raw siya makauwi sa tahanan nila dahil sa bahang idinulot ng Hanging Habagat noong nakaraang mga linggo. Mula Biñan ay tinatahak niya hanggang San Pedro para lang makahingi ng kahit kaunting tulong sa mga nakakasalubong. Akalain mo ‘yun, sa edad niyang 82 ay nakapaglalakad pa siya ng ganoon kalayo?

Walong taon nang namamalimos si Lolo Hondrado mula noong tumigil siya sa pagja-janitor sa isang bus liner sa kadahilanang katandaan na rin siguro. Ngunit paano nga ba napadpad sa San Pedro si lolo mula Iloilo?

Lumaki si Lolo Honrado sa Iloilo. Bunso sa mga magkakapatid. Ikatlong baitang lang ang natapos dahil na rin sa kakulangan ng pera at kahirapan sa buhay. Nang lumaon ay nagtrabaho bilang isang sundalo. Sa kasamaang palad ay nakapatay siya ng isang opisyal at naging wanted sa kanila lugar kaya napilitan siyang takbuhan ang mga rehas na bakal.

Namasukan siya bilang iasng janitor sa JAM Liner hanggang siya’y nanghina na at kinailangan na ng tungkod upang makapaglakad ng maayos.

Mayroong inaalagaan si Lolo Honrado na isang apo dahil sumakabilang-buhay na ang kanyang isang anak. Pilit siyang kumakayod sa pamamagitan ng pamamalimos para lamang matustusan ang pangangailangan nilang mag-lolo.

Paminsan-minsan ay dumarayo siya sa mga selebrasyon para sa mga katulad niyang salat sa yaman katulad noong Disyembre ng 2011 kung saan nagdaos ang aming paaralan ng isang gift-giving day. Minsan ay lumahok na rin si lolo sa isang patimpalak sa  San Pedro kung saan siya ay tumula at nagwagi ng 1000 pesos at tinaguriang “super lolo” ng San Pedro. Ito ang tulang iyon:

Siya si Lolo Honrado Españonal, 82 taong gulang.
Kalamidad ay dumagsa
May isa pang bagyong sumalasa
Ito’y malupit kung humagipit
Signal no. 3 ang klanyang gamit
Iyan ay nangangalang Peping
Na nanalasa sa norte at Manila
Limang bayan ang kanyang sinira
Benguet, Ifugao, Abra, Apayao at Pangasinan
Mga kotse’t bahay, palayan at palaisdaan na nagkasira-sira
Iyan! ‘Di ko na Makita ang bahay sa tubig baha
Kung iyong Makita an gating tubig baha
‘Yan ay luha ng mga among nawalan ng alaga
Ayan ang asawa ay kawawa
Nag-iisip ng ipapakain sa mga bata
Nang dumating si Peping na walang hiya
Mga tao sa bangka, biglang nawala


May asawa si lolo Hondrado, ang pangalan niya ay Rebecca ngunit hiwalay na rin. May lima siyang anak, pawang mga drayber. Nag asawa ulit siya ng batang-bata na nagresulta sa pagkagalit ng kanyang mga anak at hindi na pagbibigay ng mga pinansyal na tulong madalas.

Naikuwento rin sa akin ni lolo ang buhay ni Aling Pacita. Si Aling Pacita raw ay 84 na taong gulang na. Katulad niya, matagal na rin daw itong namamalimos. Minsan din daw ay nahuli na siya ng DSWD pero nagpumilit na tumakas sa kadahilanang ayaw niya raw sa kanila. 

Dalawa lang sila Aling Pacita at Lolo Honrado sa libo-libong Pilpinong naghihirap sa Pilipinas; may mga bata at may mga matatanda na rin; ang iba’y nasa lansangan nalang, ang iba naman ay nawalan na ng pag-asa sa buhay.

Nasa kamay nating lahat ang mga tulong na kinakailangan nila, tulong na magbabangon sila at itatawid sa landas ng pag-asa. Ikaw? Nasubukan mo na bang tulungan sila?

“Tumingin ka sa paligid mo, tignan mo naman sila, tignan mo ang mga sikmura nilang  gutom, mga katawang  hindi man lang nahaplusan ng kahit kaunting pagmamahal at mga pusong hindi nayapos ng pagmamaghal ng lipunan. Ikaw, nag-aalala ka din ba sa kanila o sadyang kinalimutan mo na rin sila?” 

Thursday, October 11, 2012

Bagong pagsubok sa bagong umaga



Tao ma’y sinubok ng lupit ng karanasan,
Karanasang labis nagpalumpo sa kanyang hilagyo
Pilit siyang bumangon bagkus ay hindi susuko
Sino at ano pa ang haharang sa tanawan
Huwag damdamin, ikaw ay sumabay sa agos
Kunin ang sandata at iguhit ang ginhawa
Lumikha ng lunas na magpapagalak sa puso
Tularan si Pebong, ulap ma’y humarang ‘di magpapatalo
Sa Diyos na laging nariyan, magdasal lamang
Tumingala’t mga kamay pagdikitin
Magpasalamat at humiling ng taimtim
Sa masamang hangarin, huwag lang magpapagapi
Paliparin natin ang saranggola, huwag lang bibitawan
Lumipad man ng matayog, lalagapak din at masisira
Katulad lang ng pangarap na binitawan at pinabayaan
Ikaw ay magsisisi ng sakit at tunay
Matatag na pananampalataya at pagsusumikap
Tiyak na gawin, tiyak ding may aanihin
Maglibot ka sa kasarinlan ng buhay
Punan ang puso ng mga bulaklak ng pag-asa
Buhay ma’y damit na lukot lukot
Gumamit ng plantsa’t itupi ng maayos
Wala mang plantsa, gamitin ang utak
Gumawa ng paraan mula sa walang katapusang paraan
Ano pa ang hinihintay ng tamlay mong katawan
Kumilos at nariyan na si Pebong bagong silang
Salubungin ng may ngiti ang liwanag na hatid nito
Bagong umaga nanaman ang susubok sa iyo
image source: people.desktopnexus.com




Saturday, October 6, 2012

Nasaan nga ba?

A brief conversation with a Badjao. 

(May pumasok na Badjao sa jeep habang nakahinto sa boundary ng San Pedro at Muntinlupa. Walang nagbigay, tumabi siya sa akin. Babae siya at siguro'y mga 20 taong gulang na.) 


Badjao: Penge naman.
Ako: Wala pong barya e. Sensya.
Badjao: Piso lang.
Ako: Magtrabaho ka na lang po.
Badjao: Piso lang. Kukurutin kita.
Ako: Magtrabaho ka na lang nga po.
Badjao: Kukulamin kita! 


Agad siyang bumaba ng jeep at pagkababa'y sinigawan nya ako ng "Waaah!"

Hindi ko rin sila masisisi. Nalason na ang pananaw nila sa buhay ng kahirapan. Tanong: Saan na ang mga taong itinalaga para pangalagaan sila? Wala bang DSWD unit ang San Pedro at Muntinlupa?

Thursday, September 20, 2012

Katoto

Nasaan ka aking kaibigan
Natatakot akong ako'y iyong iwan
Maaari mo ba akong samahan
Dito sa sulok na labis na nagdaramdam
image source: photoree.com

Pilit kitang hinahanap kahit saan
Ngunit bakit nga ba bigla nalang nang-iwan
Ako nga ba'y iyon nang kinalimutan
O sadyang binitawan nalang ang pinagsamahan

Kaibigan, lahat ay aking pinagpahalagahan
Problema mo'y aking ring pinasan
Paalam na nga nalang ba ang kasagutan
Dahil labis mo akong sinaktan

Paalam, ang sabit ng aking damdamin
 Pero bakit 'di ko kayang banggitin
Hindi ko alam kung paano sagutin
Siguro'y paalam ay di dapat kamtin

Halika rito, kaibigan
Mga problema'y ating pag-usapan
Kapayapaan sa puso'y ating kamtan
Sapagkat, mahal kita kaibigan



Tuesday, September 18, 2012

"Physics, you made my world so much okay!"

Let us love Physics :D A video-project of one of the groups in Physics during our Fourth year. (Credits to the uploader: )


Sunday, September 16, 2012

Riles ng mga Iskolar


“Masikip! Mainit! Mabaho!” Ayan na lang siguro ang mga nasasambit ko tuwing papalapit na kami sa istayon ng PNR sa Alabang.
Mga nagbebenta ng mga kendi, mga takilyero na tila pagod na pagod na sa pagbibigay ng mga bilyete at mga pasaherong nag-uunahan sa pagpila sa mga ticketing booth (isama mo na rin ang kapwa ko Iskolar ng bayan): mga mukhang makikita mo pagpasok sa isang malaking tarangkahan na matatagpuan sa likod ng Star Mall (Metropolis noon) na kinaroroonan din ng istasyon ng tren.
          Prrrrrrt! Tunog na nagsisilbing senyas galing sa silbato ng mga nakabantay na guwarda na parating na ang tren. Labing-anim na istasyon ang madadaanan ng tren (mula Alabang hanggang Tutuban) kasama na rin ang Sta. Mesa kung saan matatagpuan ang isa sa mga pinakasikat na unibersidad pagdating sa pag-iinhinyero (engineering) at pagtutuos (accountancy).
          Huminto na ang tren, seryoso na ang lahat, nagsihandaan na rin lahat ng mga pasahero na tila sasabak sa giyera. Pagbaba pa lang ng isang pasahero ay tulukan na at agawan na rin ng mga upuan sa loob (Pareseve Upuan Please). Punas ng pawis, kapit sa safety handle, at handa na ang lahat sa paglalayag ng tren.
          “Next stop is Sucat station.” Kung inaakala mo na sa gyera na sa pagpasok mo sa tren, nagkakamali ka. Nagsisimula pa lang ang World War III.  Ayan na ang mga pasahero na nakikisabay sa tulakan at sigawan na tila nagpapahiwatig na “hindi sila magpapatalo patay man o buhay.” Parang gusto kong sumigaw na, “suko na ako.” Pero hindi pwede, pumasok ako dito ng buhay, lalabas akong tagumpay; at nagging pilosopiya ko na rin sa kursong kinuha ko. “I enrolled with Accounting as my chosen field, I will graduate as an accountant and I will die as a successful CPA who already cured the infirmity of the society.”
          Balik tayo sa PNR (masyado na akong nagdrama sa kurso ko), giyera talaga tuwing dumaraan ang tren sa mga istasyong Sucat at Bicutan. Pero bakit ka nga ba susuko kung mayroon kang layunin sa buhay, ‘di lang ang makarating sa patutunguhang istasyon kundi kung ano ang iyong mithiin kung bakit ka pumunta sa lugar na iyon. Katulad naming mga Iskolar ng bayan, pumapasok kami ng upang matugunan namin ang layunin namin sa lipunan, iyon ay makapag-aral at matapos ang kursong kinuha namin.
          Huwag tayong susuko sa mga bagay na alam natin na kayang-kaya natin abutin. Never give up at lagi ko nga na sinasabe, “Aspire for the very peak of what you can have.”
          Kaya tara na mga ka-iskolar, sakay na ng PNR at sabay-sabay nating abutin ang ating mga pangarap.
     
           
- Mateo

Thursday, September 13, 2012

Division of Faith (Revision)



Christianity, Shinto, Islam, Buddhism and Hinduism: these are just few of the different religious convictions being practiced around the world. Christianity, to be considered having the most followers in the world, comprises 29 to 32% of the world’s population. Which of these is/are right? Have you ever asked yourselves?
“One world with different beliefs,” this could be the best expression to describe the partition of two or more countries, communities, or even a family.
According to the adherents.com, there are about thousands of religions scattered around the world. With this numerous sectors or separation and as what our world or even our nation facing nowadays, we could consider that religion is one of the factors why there are conflicts and wars in this world. They (religion preachers) always say that they are the truth, or even the chosen one! And they will be saved from the death of this world of ours.         
Aside from wars or so whatever, divided faith also results to racism. According to some researchers, religion has a close relationship with fundamentalism and racism. Racism in the sense that, difference religion preaches racial tolerance that can lead to misunderstandings and can cause to racial tolerance which has a great part into the morality of a person.
Bust still, whatever we do or say, there are no changes at all! We are divided into many. Our society has been into an uproar. Nobody can go back and change the past. Let us always bear in our minds that we are all came from only one creator. Allah, Yahweh, Buddha are just representation of our one only Divine Creator, Whom will save us from the destruction of this material world.
No religion is wrong! We have just our own way and faith. Religion can’t dictate our life. It is in our faith that will lead us into the decency and rectitude of our life.
“There is only one religion, though there are many versions of it.” – George Bernard Shaw

-Mateo

Wednesday, September 12, 2012

Kabataang Hinirang


Kayamanan nga ba o sadyang kinalimutan na? Kabataan, tunay nga pa bang pag-asa ng bayan? Mga tanong na umangkin sa aking isipan at labis na naghahanap ng mga kasagutan.
Tunay nga na ang mga kabataan ang magpapatuloy ng kinabukasan ng ating bansa. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, “Kabataan ang pag-asa ng bayan.” Maraming pangarap ang mga kabataan. Ang iba gusto maging doktor o abugado para matulungan daw ang mga nangangailangan. Mga simpleng pangarap para makatulong sa kanilang pamilya.
 Ngunit sa pag daan ng henerasyon, unti-unti ng nawawala ang moralidad ng isang bata. Mga kabataang naging mangmang dahil sila’y hindi nakapag-aral, mga lumaki sa lansangan, nagmamatyag habang hawak ang kanilang kumakalam na sikmura; ilan lamang ‘to sa aking mga nakita na pumukaw sa aking isipan. Ito’y mga dahilang kung bakit napapaaga ang pagsabak nila sa tunay na hamon ng buhay. Kinalimutan na sila ng lipunan, lipunang puro pansariling kasaganaan lang ang iniisip. Mga kabataang hindi nabigyan ng marangal na buhay! Nasaan na ang mga hinirang na kabataan?
Joey Velasco's Last Supper With Street Children 
Tumingin ka sa paligid mo, tignan mo naman sila, tignan mo ang mga sikmura nilang gutom, mga katawang  hindi man lang nahaplusan ng kahit kaunting pagmamahal at mga pusong hindi nayapos ng pagmamaghal ng lipunan. Ikaw, nag-aalala ka din ba sa kanila o sadyang kinalimutan mo na rin… ang mga kabataang hinirang? 
-Mateo

Friday, July 13, 2012

Reflected me


     As I walk around inside our little house, I saw a “reflected me” in our square-like mirror. It was strange…yes it was! Unlike the ordinary reflection that is seen by the people, I saw a guy full of questions. Not just a physical one that can be answered through looking into our outside aura but also on the deeper side of the reflection.
     I undressed myself and look into the mirror again. I ask the “reflected him” – Who I am? Is this what I want? Why do I always fail… yes… why do I always fail.
     I looked into his eyes. I saw his stressful works through those eyes. “I want to get rid of it! I hate it!” The words came out of my head. I realized that it’s true. I have no time for myself. I have no time with everything I want just to share and sacrifice my time for them, the time that just wasted by others. Am I stupid? His “reflected eyes” answered me, “You are not stupid! You just don’t have enough time for yourself. Do what you want! Nobody cares…It’s just you…yourself.” Clock ticks. I am who I am.
    I looked into his body – his chest and his paunch. He is weak. He is very weak… physically and emotionally. He never wanted to be hungry. He eats food but not a healthy one…that makes him weak. He never wanted to be hungry in the love and understanding by the people around. He never wanted to be alone; he never wanted to be rejected or to be fooled…to down him and stab him in his back. He is weak for he is stubborn. Refrigerator vibrates. Foods are ready inside.
      I look into his hips down to his feet. He can’t stand alone. His legs are hairy. There are many of them. It is annoying. He is with his companies. It is not annoying. He is happy that they are there for him. Tramping their feet everywhere together, that makes him happier. He can’t do anything without them for he is a person who wants help in everything. Footsteps are heard. Someone is coming.
      I dressed myself again and look at him. The mouth says, “Strive harder!” I am shocked with what happened. The “reflected one” didn’t say those words…for it was I. 

Wednesday, June 27, 2012

No ending brawl


     It is clearly stated in the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), in which both China and Philippines are signatories that the Scarborough Shoal is under the Philippine sovereignty providing 200 nautical mile exclusive economic zone and continental shelf.
     However on Aug. 25, 2006, Beijing declared that China does not recognized any territorial and maritime disputes under the said convention. This implies, indeed, that there are neither laws nor treaties in which both countries concurred until now.
     Through a discreet action, in which we are really pleased for, President Aquino and DFA Secretary Del Rosario broadcasted their desire to have a peaceful solution regarding the island dispute where Philippines just made UNCLOS as the foundation of its claim of the shoal in which China has rejected.
image source: www.aljazeera.com
     China, on the other hand, just made a childish-like resolution on the issue— “The only way the Scarborough issue can be resolved is for the Philippines to surrender all sovereignty over it to China.” As said by Hong Lei, spokesperson of the Chinese Foreign Ministry.
     Yet, China has the sovereignty if we based our assumptions on the historical side of the claim. In 1935, the government of China considered the shoal as part of the Zhongsha Islands and claimed as part of their territory. And on which the 1978 map of the Philippines featured that Scarborough as not part of its territory and Presidential Decree No. 1596 limit its claim to the Kalayaan islands only.
     To précis the argument with a question, “How can we solve this kind of squabble if there is no concrete agreement between the said countries involved?”
     Simple! Both countries must talk through diplomatic actions not through sending military vessels to only show that they have the guts to fight for a shoal that until today, no solutions at all.    
-Mateo

Wednesday, June 20, 2012

Last Goodbye



The time is approaching so fast
In our unforgettable moment that won’t last
  My fears that you will be gone
I am afraid and don’t know if I can.

Friendships that we share in our first met
I hope that all will never regret
For so many years of stay,
I’m too afraid to come on my future way.

Laughers, joys and tears together
Regretting the moment I wasted to other
I know it’s hard to be apart
But there’s something we need to be a part

Please don’t be sad if I leave
Because I’ll treasure the moments I received
Thinking of the moment that’s really too far
But time is indeed faster than a car.

If you miss me but I’m too far
Just say “Patar” and you will see me in that star
Oh! It’s now the time to say “bye”
            But please treasure the words in my… last goodbye


-Mateo



Pundasyon ng Unang Hakbang


“ High School: Hmm, just two words structured but if you take it figuratively, so countless words to recapitulate those experiences whether in delight or trouble, friendship or enmity, love or hatred, physics or chemistry, angles or trajectory, x or y, demand or indemand…”


 Freshman:
  Back in my first day in school, sobrang excited ako na parang may pupuntahan kaming party or so whatever. Tanda ko pa ang oras nung gumising ko - 3:30. Ewan ko kung bakit ako gumising ng ganun kaaga pero isa na dun sa mga dahilang 'yon ay marahil malayo talaga ang bahay namin sa bayan kung saan matatagpuan ang aking eskwelahan (marahil ay aabutin ka ng 20 to 30 minutes xD).

  Pagpasok ng eskwelahan (kasama ko pa si mama xD) ay bumungad na agad sa akin ang malaking puno ng Acacia. Umupo muna kami sa mga nakahilerang upuan dun sa may ibaba ng Mezzanine. Siguro ay napaaga kami masyado kaya kaunti pa lang ang mga tao sa loob. Habang parami nang parami ang mga nakikita kong mga tao, ang excited kong feeling ay tila napalitan ng kaba na parang sinabi ko kay mama na gusto ko ng umuwi (bata pa kasi talaga ako nun xD).

  Tapos na ang paghihintay, pinapila na kami by section. Third section lang ako nun (kahit Salutatorian ako xD) hindi dahil mababa magbigay ng grades yung former school at dahil iba ang system ng pagbibigay ng grades sa amin. Back to topic, 'yon nga pinapila na nga kami para sa Flag Ceremony. Buti nalang ay taga section din namin yung classmate ko since Grade 2. Naaalala ko pa yung mga kumakalabit sa akin, "pinagdidiskitahan" ata ako ng mga 'to pero hindi ko nalang pinansin (syempre mabait ako xD).

  Dasal, kanta ng Lupang Hinirang, Panatang Makabayan, nakakadugo ng ilong na Mission and Vision; at last tapos na. Ayun ang akala ko ng biglang tumugtog yung weird na music, ayun pala ang himno ng paaralan namin, medyo mahaba pero nakabisado ko naman after 5 months. Bigla akong natawa sa kalagitnaan ng kanta ng may nagsabi na parang magba-ballet daw kami. Sa wakas tapos na. Pinaakyat na kami sa kanya-kanya naming mga rooms - Rm. 206 ang amin. Umupo ako sa may tabi ng pintuan (ewan ko kung bakit xD). Habang naghihintay sa aming magiging adviser, napaisip ako kung ano kaya ang itsura nya, nakakatakot ba o 'di kaya baka may buntot siya at sungay. Pero all of expectations were all wrong, mabait siya dahil sa mukha nyang maamo at sa kanyang ngiti ganun na din ang kanyang ugali.

  Nagpakilala na kami isaisa. At dahil napaisip ako na baka mamental block ako at mapahiya, sinulat ko sa maliit na papel yung mga sasabihin ko. Ito ang mga sinabi ko noon-   "Magandang umaga! Ang pangalan ko ay Patrick T. de Mateo. Ako ay ahm... 11 years old. Sa Southern Heights Montessori ako nag ano ahm nag-aral noong elementary." (sabay ngiti sa kanilang lahat xD). Wew kinabahan talaga ako noon parang mas matindi pa sa Thesis defense namin noong Fourth year.  

  After few days medyo okay naman kahit papaano hanggang sa may nang-away sa akin. Ayun syempre dahil bata pa ako nun, umiyak ako tapos sinumbong ng mga classmates ko kay Ms. Baguhin. Haha. Nakakahiya pero iyakin talaga ako. Hindi pa dun natatapos ang kalbaryo ko nang may nanghamon ng suntukan sa akin. Taga kabilang section siya, siguro nagseselos kasi classmate ko dati yung crush nya na classmate nya na ngayon. Ayun kita daw kami sa plaza, syempre takot na takot ako nun kasi bata pa nga ako, nagsumbong ako sa mga classmates ko pati na rin sa Religion teacher namin noon na si Mr. Bernard Torrato, sumalangit nawa :(. Dahil dun, sinamahan ako ng mga classmates ko nung elem- Michael, Sam, Niño at Carren, pati narin ng mga maaangas kong classmates. Unfortunately, wala namang nangyaring suntukan. Pero naging kaibigan ko naman siya kahit papaano after nun. Masipag talaga ako nung first year ako syempre fresh graduate nung Elem. Yung time na nape-perfect ko ang exams nila Ms. Baguhin at Ms. Macasaddu-Estrella at naqu-question ko pa kung bakit hindi nababawasan ang value ng exponent pag sinisimplify ang mga Scientific notations.

  First Quarter, Hooray! Top 1 ako. Ang saya ko nun pero nalaman ko rin na hindi ako ang official na Top 1 ng First year, top 1 lang pala ako sa section namin kasi 'di ako star section. Kaya ayun, nagpursige talaga ako mag-aral. Sumali ako sa mga quiz bees at iba't ibang contests para lang mapunta ng star section.

  Siguro nga'y iyakin ako noong First year pero meron ring time na may mga pinapaiyak ako (syempre isip-bata pa talaga ako xD). Unang una ay noong Nutrition month, grabe kasi ang drawing. Sabi niya baby daw yun pero pagtingin ko parang dalawang monay lang na pinagdikit. Ayun umiyak. Tas sinugod pa ako ng aspiring bf nya na magsorry daw ako. At dahil baka mapagalitan ako (may takot pa ako), nagsorry ako. Sunod naman ay yung isa kong classmate ng babae, nakalimutan ko na ang dahilan kung bakit yun umiyak, bahala siya. Next naman ay yung isa ulit naming classmate na babae, inasar namin ng classmate kong lalaki na "palengkera", ayun umiyak (ang babaw no). At kahuli hulihan ay lalake naman, inaasar kasi namin siya (kasama ko nanaman ang mahilig na magpa-iyak kong classmate) na malaki ang mata at hinahawakan pa namin ang MALAKI nyang bata. Ayun nagsumbong nung open forum, first time ako na mapagalitan ng adviser namin.

  Next biggest issue ng pagiging first HS ko ay yung bullying incidence. Ayun nga, hindi kasi ako sumbungero, pero sinumbong ng mga iba kong classmate sa mama ko na binubully daw ako. Ayun napa disciplinary coordinator siya at ako. Tapos ayun, wala na. Magkaibigan na kami. Naguguilty din ako nun kasi umiyak sa harap ko yung mama ko kasi 'di daw ako nagsusumbong.  (Nag-hang ang cmputer kinabahan, tsk!)

  Para sa iba ang pagiging Freshman daw ay ang pinakakwentang year ng HS mo kasi naninibago ka pa at konting memories lang nabuo mo rito. But one thing, being a freshman serves as a big and strong foundation for what you are and who you are today. Lahat ng pagkakamali mo noong freshman ka ang naging tulay sa 'yo upang tahakin ang landas na nagdulot sa iyo ng maging isang matatag na estudyanteng na ang nais ay maabot ang tugatog ng tagumpay... pinakatuktok ng kaya mong maabot sa hinaharap.


-Mateo, 15 (May 6, 2012)